Likas sa ating kulturang Pilipino ang pagpapahalaga sa ating buhay. Masasaksihan natin ito sa ating mga pang-araw araw na gawain na kung saan ang ating sarili mismo ang magsasabi na ang buhay ay puno ng pasakit ngunit ito’y mga pagsubok lamang. Sinasabi pa nga natin na dapat itong pangalagaan sapagkat ang buhay ay iisa lamang. Masasabi natin na ang ganitong pananaw sa buhay ay isang matatag na pundasyon sa pamimilosopiya ng bawat isa sa diwang Pilipino.
Sa buhay natin may alam tayong mga dakilang kwento tungkol sa mga taong nakapalibot sa atin: ang ating mga magulang, kapatid, kaibigan at higit sa lahat ang ating sarili mismo. Mga kwentong hindi natin madaling makalimutan sapagkat ang mga ito ay naiiba at hindi pangkaraniwan. Ang ganitong mga karanasan sa buhay ay mahirap ng tanggalin sa isipan at ito na rin ang naging kaakibat sa pang araw araw na pamumuhay. Batid nating lahat na ang bawat isa ay nailagay sa karanasan at ang karanasang ito ay siyang magbibigay linaw sa atin. Sa aking sarili ay mayron din akong mga karanasan na aking binibigyang halaga. Mga karanasang ako ang naging mismong bida. Para simulan ang aking karanasan, marapat na sabihing iba ang pagkabalangkas nito kung ihahambing iba ngunit may magkaparehong kahulugan na ipinababatid o ipinakikita sa ating kaisipan.
Ang aming pamilya ay simple lamang at hindi gaanong mayaman upang supurtahan ang lahat ng aking mga panganga-ilangan sa ang aking pag-aaral. Marami kaming magkakapatid. Noong ako’y magtapos ng sekundarya sa aming probinsya, nakaranas ako ng isang natatanging pangyayari sa buhay. Nang magtapos ako ay magkahalong saya at lungkot ang aking dinanas. Masaya ako sapagkat natapos ko na ang sekundarya; napasaya ko ang aking mga magulang, at naipakita ko sa aking sarili at sa iba ang aking sariling pagsisikap. Sa kabilang dako naman, sa likod ng aking kasiyahan ay may kalungkutan na halos di ko kayang intindihin at ipadama sa iba. Iniisip ko kung ano ang aking gagawin pagkatapos ng sekundarya at anong uri ng buhay naman ang aking tatahakin sa susunod. Hindi ako mapakali sa mga panahong iyon at lagi kong pinipili na mag- isa. Hindi ko naiwasan na tanungin ang aking sarili sa tuwing ako ay walang kasama at kung minsan ay kinakausap ko rin ang aking sarili sa pamamagitan ng sariling diyalogo. Baliw man isipin ang pangyayaring iyon ngunit hindi ko kayang baliwalain sapagkat yun ang katotohanang nangyari sa akin. Sa madaling salita, ako ay nakaranas ng isang masalimuot na buhay sa panahong iyon at hindi ko kayang maipahayag o malutas sa panandaliang panahon lamang. Lagi kong pinipiling mag-isa at lumiban sa mga gawaing kasama ang lahat ng miyembro ng pamilya. Hindi ko rin maiwasan na tanungin ang aking sarili kung saan kaya ako patutungo pagkatapos ng lahat ng ito. “Bakit ako ay nalagay sa ganitong sitwasyon?, Bakit nangyari ito sa akin?, Bakit ganito ang buhay ko at hindi ganyan?, Bakit ako pa at hindi sila?, Ano ang dapat kong gawin?, Ganito ba ang katotohanan?” Ito ay ilan lamang sa mga tanong na aking binigyang tuon. Hindi ko maipagkait na marami akong pagtataka at mga “bakit” sa panahong iyon. Paminsan-minsan nakikita ko ang aking sarili na nagtatanong kung may Diyos ba sa aking buhay.
Sa ganitong pangyayari nagkaroon ako ng krisis sa aking sarili at lagi na lamang may halong pagtataka at mga di pangkaraniwang tanong. Mga tanong na kadalasan ay binabalewala ng karamihan sapagkat hindi nila gusto. Sa ganitong karanasan, nasabi ko sa aking sarili na nakaranas ako ng isang kumplekadong uri ng pamumuhay. Nalaman ko sa aking sariling pangkaisipan na ako ay may dalang kakaibang kaganapan. Sa aking pagkikilatis at matinding pagsusuri may mga kasagutan ding umiiral subalit ito’y hindi nangangahulugan na tapos na ang suliranin. Unti-unting umiral ang magkakaiba at magkabaligtad na kasagutan dulot ng masusing pagsusuri sa aking sarili. Lumalim ang aking kaisipan dahil sa kasalimuotan ng buhay. Wala akong ibang magawa at masabi sa aking sarili kundi ang bigkasin nang may kalaliman at sa mahinahong pamamaraan ang katagang “hay, buhay!.”
Maliban sa aking karanasan, mayron ding akong mga narinig at napansing mga kwento at kaganapan na magkatulad ngunit magkaiba ang struktura sa pagkakaganap. Marami akong narinig na mga kaibigan na nag-uusap tungkol sa kanilang mga sitwasyon at ang kumplekasyon sa buhay. Habang ang usapan ay lumalalim lumabas ang mga katotohanan sa bawat isa. Sa huli, wala silang masabi kundi ang “hay buhay” na may halong tawa at pagtataka. May nakatagpo rin akong mga kaibigan na bigla na lamang yumuko at sabay sabi sa mahinahon na paraan “hay buhay”. Ang iba naman ay dinadaan sa pabirong paraan. Dito napansin ko ang iba-ibang istilo sa pagkaganap ng karanasan at ang magkakaibang damdamin ng pagpapahayag.
Para makuha kung ano ang tunay na ipinahihiwatig sa mga magkakaibang karanasan ay gagamitin ko ang pamamaraang penomenolohiya. Ang unang hakbang sa penomenolohiyang pamamaraan ay ang pagsususpindi o ang pag-alis ng aking kasalukuyang opinyon, kaalaman, o posisyon tungkol sa pagsasabi sa katagang “hay buhay”. Dito pinapanatili ko ang aking pagiging neutral at walang pinapanigan na posisyon na nababatay sa ganyang karanasan sa buhay. Sa ganitong paraan, pinairal ko ang isang nangingibabaw na natural na kaugalian ukol sa naganap na pangyayari. Sa hakbang na ito, ginagamit ko ang pagbabaliwala o ang pansamantalang pag-alis ng aking sariling kaalaman para maging bukas ako sa aktwal na realidad sa orihinal na karanasan. Sa madaling salita, iniiwasan ko na magkaroonng pinapaborang posisyon. Sa ganitong paraan, makukuha ko kung ano talaga ang ipinahiwatig at nais iparating nang nasabing karanasan. Pinapairal ko ang tanong, “Ano ang ipinahihiwatig ng ‘hay buhay’ upang maging daan para sa pangalawang hakbang ng pamamaraang penomenolohiya.”
Ang susunod na hakbang sa pamamaraang penomenologo ay ang pagkuha sa tiyak na kahulugan sa naturang pangyayari (eidetic reduction) o ang pagkukuha ng tunay na diwa (essence). Para makuha at marating ang karurukan sa kabuuan ng karanasan kinakailngang palalimin ang pangingilatis at masusing paghahanap hanggang makuha ang pangwakas na sentralisadong kaalaman at tunay na diwa sa pangyayari. Sa mga karanasan ay may pagkakaibang struktura ang pagkakaganap at damdaming lumalabas. Ano ang pagkakaiba sa aking karanasang ng mga naganap sa iba? Ano kaya ang ipinahihiwatig ng pagsasabing “hay buhay”? May pagkakaiba ba sa kahulugan nito kung may pagkakaibang damdamin ang ipinapakita sa pagpapahayag? Sa palagay ko ay walang ipinagkaiba sapagkat pareho ang kahulugan ng mga sinasabi. Hindi na batayan kung paano o sa anong paraan ito binibigkas ng indibidwal. Sa madaling salita, isa lang ang patutunguhan ng nasabing kataga maging sa masaya o malungkot sa sitwasyon. Sa kabilang dako, masasabi kaya ng isang tao ang ekspresyong “hay buhay” kung wala siyang dahilan? Maliban kung sasadyaing sabihin, ang sagot ay hindi talaga sapagkat ayon sa eksistensyalistang si Maurice Merleau- Ponty, ang isang hagap sa isipan ay nabubuo sa tulong ng mga salita. [Thought seeks the word for its completion]. Bago pa man maibigkas ang salita ay nasa isipan na ito ng tao at nangangailangan ito ng salita para maging buo. Dito ang karanasan sa bawat isa ay may magkatulad na ipinahihiwatig. Bawat isa sa kanila na nakakaranas ay may alam sa mga nangyari sa kanila at ang pagsasabing “hay buhay” ay ang ekspresyon na bunga ng kanilang pag-iisip. Bilang resulta sa pag-iisip ng bawat isa tungkol sa mga naganap sa kanilang buhay ay malinaw na sinasabi na ang salitang “hay buhay” ay naging instrumento sa pagpapalabas ng damdamin. Ang wika ay siyang nagiging tulay sa pagpapahayag ng indibidwal. Sa madaling salita, ang kahulugan ng “hay buhay” ay hindi nakabase o nakadepende sa kung sino at paano ito ipinahayag. Bagkus, ang tunay na diwa ng pagsasabi nito ay ang pagkamalay sa sariling kaalaman na siya ay umiiral sa mundo at ang sariling pagkakabatid sa kanyang pagiging tao na kung saan hindi siya nanatiling inosente sa mga katotohanan ng buhay. Ang pagsasabi ng “hay buhay” ay hindi nangangahulugang hindi niya gusto ang buhay; sa halip ay nararanasan niya kung ano ang buhay at ang tunay na realidad nito. Kailangang makaranas siya ng kumplikasyon na makakapagbibigay-lakas sa pag-alam kung ano ang buhay. Sa ganitong karanasan ay sinusubukan o nasusubukan niyang alamin kung ano ang mga nangyari sa kanyang sarili at natatanggap niya na sa pagiging tao ay may kanya-kanyang kakambal na kumplikasyon sa buhay na dapat maranasan tungo sa sariling kaunlaran. Dagdag ganito, malugod na tinanggap ng indibidwal ang katotohanan kung ano ang buhay at ano naman ang kaugnayan sa mga kumplikadong sitwasyon na nangyayari sa kanya. Ang nangyari sa akin ay ang pagkakakilanlan ko sa aking sarili at ang pagpapalalim nito sapagkat ayon kay Emerita S. Quito, isang Pilipinong pilosopo, ang mabuting pag-iisip ay nagreresulta sa mabuting pamumuhay. [To think well is to live well]. Sa pamamagitan ng malalim na pag-iisip tungkol sa ating sarili ay magkakaroon ng kasiya-siyang buhay. Sa kabuuan, ang taong nagsasabing “hay buhay” ay hindi ibig sabihin na ayaw na niya sa mundo at hindi na niya kayang mabuhay sa kumplikadong sitwasyon. Ang pagsasabi nito ay bunga ng matalinong pagsusuri kung ano ang kahulugan ng buhay at malinaw na naintindihan niya ito. Dahil dito inaalam niya muna kung ano ang buhay at makakapagmunimuni siya kung ano ang mga hakbang na dapat gawin para makamit ang tagumpay. Sa pagsasabi nito masasalamin natin kung ano ba ang konsepto ng buhay para sa bawat mamamayang Pilipino.
Sa pamamagitan ng una at pangalawang hakbang mararating ko ang pangatlo at pangkabuuan sa nangyari. Sa parting ito, dito matatagpuan ang buong katiyakan sa pangyayari- ang aking pagkamalay sa aking sarili, na ako pala ay bahagi ng karanasan sa pagsasabing “hay buhay”. Napag-alaman ko na ako ang pangunahing ugat at sanhi para maging makatotohanan ang karanasan. Ang aking pagsasabing “hay buhay” ay nagkakaroon ng sariling kamalayan sa sariling kalooban. At dahil sa aking kamalayan binibigyan ko ng kahalagahan ang aking karanasan at idinidiin ko kung gaano iyon kahalaga sa aking sarili.
Sa pamamamaraang penomenolohiya, napgnilay-nilayan ko na ako ay may bago at malalim na pamamaraan sa pagtanaw sa pangyayari, ang pagsasabing “hay buhay”. Ngayon, sa nasabing pangyayari ay nakikita ko na iba na ang aking kaisipan at ipinapakita ang sarili ko mismo sa ibang paraan.